doon, habang kasalukuyan akong nakapila upang humingi ng medical permit ay may nasulyapan akong isang babae.. sa aking pakikinig sa usapan ng mag-ina, aking napag alaman na ang babaeng iyon ay papasok rin doon sa parehong kurso na aking tatahakin..
sa wakas, ako'y nasa medical na! agad kong inumpisahan ang muling pagpila upang agad na makapagparehistro at mabayaran ang aking matrikula.. sa ika pitong istasyon ng medical, sa aking malaking pagkagulat, ay tinanong niya kung ano ang numero na ibinigay sa akin ng nars.. siya ay numero 59 at ako naman ay numero 60.. kaya, sa pila patungo sa ika walong istasyon ay magkasunod kami.. sa haba ng pila ay hindi namin maiwasan na magkwentuhan.. itago na lang natin siya sa ngalang Tsupeta.. nakatira sa *Laguna! (*malapit lang! eh dun nga yun eh!) lumipas ang mga minuto at unti unti nang umikli ang pila.. malapit nang tawagin ang numero niya.. ngunit bago ang lahat ay binigay niya muna ang numero ng kanyang cellphone sa akin.. (ano ba tagalog ng cellphone? sa mga nakakaalam, tag naman kayo!) at ayun na nga.. tinawag na ang kanyang numero..
agad akong nagtungo sa opisina ng registrar upang matapos na ang aking pagrerehistro.. nagkita kaming muli roon.. nakapila upang malaman ang aming iskedyul at ang aming block.. ako ay block W4 at siya ay U4 naman.. (ata?) at doon nga kami ay naghiwalay..
ngayon, anong meron sa istorya ko?
napapaisip lamang ako mga giliw kong tagabasa..
bakit kaya niya ibinigay ang numero ng kanyang cellphone kung ang taray taray naman niya sa text?
abangan ang susunod na kabanata ng ating dulang pinamagatang
UPLB Girl!