the difference between a moral man and a man of honor
is that the latter regrets a discreditable act,
even when it has worked and he has not been caught. Battle for Freedom
Protoss Invasion

Name: Trebliw Nayacam
Age: 16 Years Old
Date of Birth: 11.07.1988
Contact No.: 0920.463.4150
University: UP Los Banos
Location: Philippines

Underconstruction

Site Renovation





CARRIER REPORT:
There had been a total of

Allied Forces detected
in the Battle Field
since 06.01.05


WATCHA THINK ABOUT MY BLOG?

    the best  YOU ROCK!

    pretty good  I LIKE IT!

    okay  INTERESTING...

    pretty bad  MORE IMPROVEMENTS?

    the worst  EEEEW!! YACK!!

   Just click on the links above


LINKS

MY ALLIES

PREVIOUS POSTS


    limang araw na
    spongecola
    just the way she is...
    para sa sja batch 05
    spongecola
    jeepney
    to my bestfriend
    a short story... uncut...
    umulan kanina
    UPLB Girl Part 2

ARCHIVES


    May 2005
    June 2005
    July 2005
    August 2005
    September 2005
    October 2005
    October 2006


Saturday, May 14, 2005

sa muli mong pagdampi

nais kong gawin lahat kasama ka..
at wala nang iba pa..
pero hindi ko mapigilang mapaluha..
mapaluha ng mga bagay
na tila gustong pumigil sa atin..
nais kong panghabangbuhay na hawakan
ang iyong mga kamay..
nais kong tila angkinin ka ng buong-buo..
pero pilit na may nagsasabi sa akin
na hindi pa sapat lahat ng ginagawa ko..
hindi pa rin ako sapat,
sapat para sa isang prinsesang tulad mo..
nais kong mapasaakin ka
ngunit kahit ako'y hindi maibigay ang sarili sa iyo..
nais kong bigyang pansin mo ako
ngunit kahit ako'y wala sa tabi mo..
nais kong ako lamang ang lamanin ng puso mo
ngunit kahit ako'y hindi naman napapakita sa'yong pagmamahal ko..
kulang na kulang at tila walang kuwenta..

hindiko maintindihan kung bakit nasasaktan ako..
ayaw kong maramdaman ito dahil tila paubos na ang luha ko..
gusto kong pagsilbihan ang isang pronsesang tulad mo..
ibigay ang bawat oras at bawat pagtibok ng puso ko
sa pagbibigay ng ligaya at tuwa sa buhay mo..
gusto kong magsilbing liwanag
sa bawat madilim na lansangang tatahakin mo..
nais kong magsilbing matalik na kaibigan
sa bawat pagsubok at pagkabigong dadanasin mo..
nais kong maging iyong kasiyahan at kuhanan ng lakas
sa bawat pagpatak ng luha sa mga mata mo..
nais kong maging pag-asa at pananalig
sa bawat paglubog ng araw sa bawat gabing haharapin..
nais kong maging tala sa mga madidilim na gabi
at maging gabay patungo sa isang bagong pagsibol..
nais kong maging musika na tangi mong maririnig
sa mga oras na gulo lamang ng mundo ang naririnig mo..
nais kong maging magandang larawan na tangi mong masusulyapan
sa tuwing dilim ng mundo ang hinaharap mo..
nais kong magsilbing mga kamay na hahawakan mo
sa bawat lamig ng gabing hahaplos sa balat mo..
nais kong maging iyong mga mata
at ipakita sa iyo ang tunay na kulay ng pagmamahal..
nais kong maging iyong mga paa
at dalhin ka sa isang mundong tanging tayong dalawa ang makakaalam..
nais kong maging iyong ngiti na tila
babalot sa bawat umagang kay ganda..
nais kong maging ang iyong pagtawa't galak
sa tuwing makakasama mo ang mga tunay na kaibigan ng buhay..
nais kong maging iyong puso
at ipadama sa iyo ang tunay na pagmamahal..

nais kong maging lahat ng ito..

nais kong magin lahat ng ito..
sa mga oras na hawak ko ang kamay mo
sa mga oras na ang mga mata mo'y sa akin sumusulyap
sa mga oras na tanging boses mo ang naririnig
sa mga oras na tanging ang ngiti mo ang ligaya ko
sa mga oras na umiidlip ka sa mga braso ko
sa mga oras na tanging ikaw at ako ang laman ng paraiso
sa mga oras na minamahal kita..
at iyon ay sa bawat oras ng buhay mo..

nais kong magin lahat ng ito..
sa bawat mong pagdampi sa mga labi ko..

ipapakita ko sa iyong mahal kita higit pa sa inaakala mo
sa muli mong pagdampi sa aking labi





_zeroseven_ triggered attack on 5/14/2005 04:06:00 PM
mahal na mahal kita _mrh_zeroseven_

waiting for your command | 0 comments