Wednesday, June 01, 2005
darating kaya ang araw
darating kaya ang araw na...
- ...na may 4-pt shot na sa basketball
- ...na pwede nang magbayad ng tseke o credit card sa jeep
- ...na magbabati na ang ABS-CBN at GMA-7
- ...na makikita na ang hidden valley at ang hidden spring
- ...na ang pag-apak at ang brutal na pagpatay sa ipis ay makasuhan ng murder
- ...na magkaroon na ng puting langgam dahil nakakasawa na ang itim at pula
- ...na meron ng Jack 'n Jill Piattos na bubblegum flavor o di kaya macapuno
- ...na ang softdrinks ay wala na sa bote at available na sa tetra packs o di kaya ay powder na tinitimpla
- ...na magkakasnow sa Pinas lalo na kapag summer
- ...na sinuswelduhan na ang mga students ng per hour sa pagpasok nila sa school
- ...na ang larong jack en poy ay meron na ring machine gun, itak, laser gun, chain saw, kanyon, at iba pang weapons pero pwede ring suklay, blower at plantsa kung babae ang naglalaro
- ...na lalaki na ang model ng Sunsilk at Creamsilk sa mga sachet ng shampoo at conditioner nila
- na ang mentos ay may panlalaki't pambabaeng version na:
LALAKI = MENTOS BABAE = WOMENTOS
- ...na tulog ang tao sa umaga at lahat ng ginagawa ay sa gabi na, kung sa gayon, kung gising ako sa gabi ay hindi na iyon matatawag na... PAGPUPUYAT!
sa ngayon ay yan muna, nais ko lamang mangarap ng mga bagay na sa ngayon ay hindi ko tlga alam kung pwede... pero isa lang ang alam ko, hindi na darating ang araw na iiwanan ko ang kapatid ko, pati rin syempre ang prinsesa ko... mahal ko kayong pareho...
_zeroseven_ triggered attack on 6/01/2005 06:00:00 PM
mahal na mahal kita _mrh_zeroseven_
waiting for your command |
1 comments
|